Posted August 4, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Umabot sa 1,857 ang mga bagong botante ng Malay para sa
nalalapit na Barangay at SK election sa
katatapos na registration nitong katapusan ng Hulyo.
Ayon kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig, ang bilang ng mga botante na nagparehistro ay
kinabibilangan ng mga bagong botante sa Sangguniang Kabataan, ang ilan sa
kanila ay dumaan sa re-activation at correction sa kanilang pangalan.
Kaugnay nito, sinabi ni Cahilig na mahigit 33, 813 ang
bilang ng kabuuan botante sa Malay kung
saan hindi pa nila dito naidagdag ang 1, 857 na bagong rehistro.
Dagdag pa ni Cahilig, hindi pa nila nabibilang ang
kabuuang active na botante dahil ang iba sa mga ito ay patay na at nagtransfer
na sa pagboto sa ibang lugar.
Samantala,
mag-uumpisa umano ang election period sa Oktubre 1-7, habang ang filing
ng COC naman ay sa Oktobre 3-5, at ang election campaign ay sa Oktobre 21
hanggang 29 at ang araw ng eleksyon ay sa Oktubre 31 taong kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment