Posted August 4, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nauwi sa pagtatalo ang magkapitbahay dahil sa lakas umano
ng volume ng videoke sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc, Boracay kaninang madaling.
Sa report ng nagrereklamong si Pamela Beronio, 34-anyos
sa Boracay PNP, nagkaroon umano sila ng mainitang diskusyon ng suspek na si
alyas Hans na isang Coast Guard Auxiliary matapos nitong pahinaan ang volume ng
kanilang videoki dahil hindi umano sila makatulog.
Subali’t, hindi umano naunawaan ng inirereklamong si Hans
ang paki-usap ng biktima kung saan siya pa umano ang nagalit sa biktima at
pinagsalitaan ito ng masasakit na salita.
Dahil dito, inawat naman ang suspek ng kanyang asawa kung
saan gusto pa nitong makipag-away sa biktima.
Hindi naman nagdalawang isip ang nagrereklamo na isumbong
ito sa mga pulis kung saan nakatakda naman ang mga itong magharap sa Brgy.
Justice System ng Manoc-manoc.
No comments:
Post a Comment