Posted
August 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Handa na sa implementasyon para sa National School Based
Immunization Program ang probinsya ng Aklan na gagawin ngayong buwan ng Agosto.
Itong libreng vaccination program ng gobyerno ay sa
pakikipagtulungan sa Department of Health, Department of Education at
Department of Interior and Local Government.
Nag-paabot naman ng kahandaan sina Dr. Anthony Redaniel
ng DOH-Aklan, Dr. Cornelio Cuachon, Jr. at Bella Villaruel ng Provincial Health
Office, at Ethel Palmani ng DepEd-Aklan na handa na ang kanilang departamento
sa vaccination program.
Singurado naman ng mga ito na ang vaccines ay libre,
ligtas at epektibo dahil hindi naman umano sila nagbibigay ng bakuna na
makakapahamak sa mga bata.
Dahil dito hinihikayat ng mga nasabing departamento ang
mga magulang na payagan ang kanilang mga anak sa grade 1-7 sa mga pampublikong eskwelahan
na magpabakuna dahil ito ay booster doses ng Measles-Rubella (MR) Tetanus-diphtheria
(Td) vaccines na kinakailangan para maipagpatuloy ang mataas na lebel ng
proteksyon.
No comments:
Post a Comment