Posted August 1, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Umabot na 1,750 ngayon ang bilang ng mga sumukong drug personality sa Aklan sa
nagpapatuloy na Oplan Tokhang (Toktok Hangyo) ng Philippine National Police
(PNP) sa bansa.
Sa panayam kay PO2 Kresil Lagatic ng Public Information
Officer (PIO) ng Aklan Police Provincial Office (APPO), patuloy umano silang tumatanggap ng sumusukong drug
personality sa lalawigan.
Ito umanong 1, 750 ay rekord nila noong nakaraang buwan
ng Hulyo 28 na kinabibilangan ng pusher
at user simula noong ipatupad ang Oplan Tokhang.
Nabatid na binigyan ng pagkakataon ng pamunuan ng PNP sa
ilalim ng bagong administrasyong Duterte ang lahat ng mga drug personality na
sumuko at magbagong buhay.
Ito’y dahil pag-ipinatupad na umano ang 2nd barrel ng
pulisya at hindi pa sumuko ang mga ito ay hindi na umano mag-aalinlangan ang mga pulis na hulihin
at kasuhan ang mga ito.
Samantala, muli namang hinikayat ng APPO ang mga gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga
na sumuko upang hindi na umano sila mahirapan gayundin ang pamunuan ng pulisya.
No comments:
Post a Comment