Pages

Wednesday, August 03, 2016

NGCP, Petro Wind at AKELCO, muling ipapatawag ng SB

Posted August 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nakatakda ngayong ipatawag muli ng Sangguniang Bayan ng Malay ang National Grid Corporation of the Philippines o (NGCP), Petro Wind at ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO).

Ito’y patungkol sa patuloy na kakulangan ng supply ng kuryente sa bayan ng Malay lalong-lalo na sa isla ng Boracay na nagdudulot ng perwesyo sa mga negosyante.

Sinabi ni SB Member Nenette Aguirre-Graf, plano nila ngayong bisitahin at alamin ang kalagayan sa area ng Napaan River at Windmills upang malaman kung ano ang mga sulosyon na dapat gawin sa palagiang brown out na nararanasan hindi lang sa Malay at Boracay maging sa ilang bahagi ng probinsya.

Nabatid na hindi direktang dumadaloy ang kuryente na nalilikha ng windmill ng Petro Wind sa AKELCO dahil direkta itong sinusuplayan ang National Grid Corporation of the Philippines  o (NGCP)  bago ito ibenta sa mga kooperatiba.

Kaugnay nito, nabanggit ni Graf na magse-set sila ng schedule para puntahan ang naturang lugar kasama ang Akelco para ma-obserbahan ang mga dapat gawin na aksyon para maibsan ang brown-out ng sa gayon ay hindi na umano mag dahilan ang AKELCO na merong gumapang na ahas o nasagi na kahoy na naging sanhi ng pagkawala ng supply kuryente.

No comments:

Post a Comment