Posted June 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit Aklan Forum |
“Tamang bayad”
Ito ang hiling ngayon ng mga magsasakang apektado ng
pinaplanong expansion ng Kalibo International Airport (KIA).
Nabatid na umabot sa 154 na mga magsasaka ang maapektuhan
sakaling masimulan na ang development sa KIA.
Nabatid na nais ng Department of Transportation and
Communications (DOTC) na bilhin ang lupa ng mga magsasaka sa presyong P800 per
square meter.
Sa panayam kay Mallan Mendoza ng Ecotech mula sa nongovernment
organization, sinabi nito na napaka-cheap umano ang naturang halaga kung saan
ang makatarungan umanong presyo ngayon sa Kalibo ay P5,000 per square meter.”
Sa ngayon bumuo ng grupo ang mga magsasaka na tinawag namang Napocacia, o Nalook Pook Caano Association kung saan naghahanap na rin sila ngayon ng abogadi na tutulong sa kanilang isinisigaw.
No comments:
Post a Comment