YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 30, 2016

Cashier at Security guard ng isang convenient store sa Boracay, kulong matapos pagnakawan ang customer na turista

Posted June 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftArestado ngayon ang cashier at security guard ng isang tindahan sa Manoc-manoc, Boracay matapos nitong nakawin ang wallet ng kanilang customer na turista.

Salaysay ng biktima na si Erlinda Senase 56-anyos sa Boracay PNP, bumili umano siya sa nasabing tindahan kung saan sa pag-uwi naman nito sa hotel na tinutuluan ay namalayan nito na naiwan niya pala ang kanyang wallet sa loob ng tindahan.

Nabatid na binalikan ng biktima ang tindahan kasama ang kanyang asawa para tanungin kung may napansin ang cashier na naiwan wallet ngunit itinanggi naman niya ito sa biktima.

Subali’t ng humingi naman ng inspection ang asawa ng biktima na tingnan ang CCTV kasama ng supervisor ng tindahan ay dito napag-alaman na naiwan ng biktima ang wallet sa may cashier kung saan kinuha naman ito ng isa pang customer at ibinigay sa suspek na cashier at sa security guard.

Samantala, ng isauli naman ng security guard sa biktima ang wallet nito ay natuklasan naman nitong nag-kulang na ang laman nitong pera na nagkakahalaga ng P7, 000.

Nabatid, na kinuha ng cashier ang apat na libong piso na pera at iniwan ang tatlong libong pera sa loob ng wallet. 

Wala namang balak na sampahan pa ng kaso ng biktima ang dalawang suspek kung saan pina-balik nalang nito an pera na kanilang kinuha.

No comments:

Post a Comment