Posted June 29, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Dismayado umano si Boracay Foundation Inc. (BFI)
President Dionesio Salme sa naging proyekto ng Tourism Infrastructure and Enterprise
Zone Authority (TIEZA) sa isla.
Partikular na tinukoy ni Salme ang phase 1 drainage
project ng TIEZA kung saan sinabi nito na tapos na ang paggawa nito ngunit
hindi padin umano ito functional at baha parin sa isla.
Ayon kay Salme sana hindi umano magaya ang nakatakdang
phase 2 drainage project sa phase 1 na itinuturing nitong palpak.
Nabatid na isa si Salme sa mga dumalo sa isinagawang Exit
Community meeting kahapon ng BRTF kung saan pinag-usapan ang mga naging
proyekto ng administrasyon ni Yap simula ng umupo ito at ng BRTF na naglingkod
ng tatlong taon sa isla.
Ang TIEZA ang siyang nagsasaayos ng mga drainage system
sa isla ng Boracay upang maiwasan ang pagbabaha ngunit ngayon ay nananatili
paring lubog sa tubig baha ang ilang kalsada sa Boracay tuwing umuulan.
No comments:
Post a Comment