Pages

Tuesday, June 28, 2016

Apektadong mga magsasaka ng expansion ng Kalibo Airport, humiling ng tamang bayad

Posted June 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Image result for kalibo airport expansion
Photo Credit Aklan Forum
“Tamang bayad”

Ito ang hiling ngayon ng mga magsasakang apektado ng pinaplanong expansion ng Kalibo International Airport (KIA).

Nabatid na umabot sa 154 na mga magsasaka ang maapektuhan sakaling masimulan na ang development sa KIA.

Nabatid na nais ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na bilhin ang lupa ng mga magsasaka sa presyong P800 per square meter.

Sa panayam kay Mallan Mendoza ng Ecotech mula sa nongovernment organization, sinabi nito na napaka-cheap umano ang naturang halaga kung saan ang makatarungan umanong presyo ngayon sa Kalibo ay P5,000 per square meter.”   

Sa ngayon bumuo ng grupo ang mga magsasaka na tinawag namang Napocacia, o Nalook Pook Caano Association kung saan naghahanap na rin sila ngayon ng abogadi na tutulong sa kanilang isinisigaw.

No comments:

Post a Comment