Posted June 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nanumpa na ang bagong administrasyon ng bayan ng Malay
kay Aklan Governor Florencio Miraflores sa isinagawang Oath Taking and Governance
Turnover Ceremony kahapon.
Pinanumpa ni Miraflores ang walong Sangguniang Bayan
member kasama ang Bise-Alkalde at Alkalde ng Malay para sa pagsisimula ng
kanilang pag-upo sa gobyerno ngayong Hulyo.
Present naman rito ang Government officials ng probinsya
kabilang na sina outgoing Mayor John Yap at Vice Mayor Wilbec Gelito.
Maliban dito nakisaksi naman ang mga stakeholders mula sa
Boracay, department heads, mga organisasyon sa Malay at pamilya at supporters
ng mga bagong halal na opisyal ng Malay.
Naging parte naman ng okasyon ang Governance Turnover sa
pamamagitan ng mga department heads at ng bagong alkalde ng Malay na si Ceciron
Cawaling.
Samantala, nagpasalamat naman si Cawaling sa mga
sumuporta sa kanya at nangangakong pag-iibayuhin ang kanyang trabaho sa kanyang
bayan gayon din ay nagpasalamat din si outgoing Mayor Yap sa kanyang
paglilingkod sa Malay.
No comments:
Post a Comment