Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Meron ngayong
ibibigay na Commercial Arts training para sa mga miyembro ng Person with
Disability (PWD) sa Probinsya ng Aklan.
Ayon kay Zaldy
Paderes, Provincial Federation President ng Person’s with Disability Provincial
Association ng Aklan, ang naturang training ay bukas para sa mga miyembro ng
PWD’s at out of school youth sa Probinsya ng Aklan.
Nabatid na ito ay
libre kung saan ipapatupad ito ng kanilang asosasyon kasama ang Homage to
Enable Linabuanon People Inc. o (HELP).
Samantala, ang
nabanggit na training ay magsisimula sa mga susunod na buwan kung sakaling makumpleto
na ang mga nagparehistrong sasailalim dito.
Hinikayat naman
ngayon ni Paderes ang mga PWD’s at ang mga out of school youth na sumali para
sila ay matulungan na maging maayos ang kanilang pamumuhay sa kabila ng
kanilang kapansanan.
Isasagawa ang Commercial Arts training sa mismong opisina ng
PDAO o Persons with Disability Affairs Office sa Provincial Capitol Canteen,
Kalibo, Aklan.
No comments:
Post a Comment