Posted June 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa huling araw ng
mga outgoing officials ng Sangguniang Bayan sa bayan ng Malay ay tinalakay ng
isa sa mga SB member dito ang construction ng 9-storey building sa Yapak.
Sa 23 rd Regular
Session ng Sangguniang Bayan kahapon, naging usapin sa privilege hour ni SB
Frolibar Bautista ang patuloy na construction ng Global Estate Resorts Project
sa Yapak kung saan makikita na umano itong nasa siyam na palapag na ito.
Ipinunto naman
ngayon ni Bautista kung ano ang mga posibleng violation kung sakali mang
lumabag sa patakaran ang may-ari nito sa pagpapatayo ng gusali.
Matatandaang una
na ring pinuna ni Bautista ang nasabing gusali dahil sa umabot na umano ito ng
siyam na palapag.
Kung saan nagdemand
ito ng report kaugnay sa kung anong aksyon ang ginawa ng mga kinauukulan
tungkol dito kasama na ang listahan ng mga nag-violate ng height limit sa buong
Boracay.
No comments:
Post a Comment