Posted June 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa kulungan
ngayon ang inabot ng apat na suspek sa
magkahiwalay na buybust operation kahapon sa Sitio Angol, Brgy.
Manoc-manoc.
Isa sa mga nahuli
ay ang kapatid ni No. 1 Drug Dealer Benjie Rizares na si
Beliardo Rizales ng Negros Occidental at dalawa pang iba na sina
Geronimo Alejo alyas “Jerome o Bakla” 34-anyos, isang dating Therapist at si
Rachel Bonalos 24-anyos ng Bacolod City.
Sa pinag-samang
pwersa ng Malay Municipal Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group
(MAIDSOTG) ng Malay PNP at Boracay PNP, nakuha sa posisyon ni Alejo ang
pinagsamang limang sachet ng suspected
shabu, maliban pa sa dalawang sachet ng yellow shabu na sinasabing bagong
produkto ng grupo.
Samantala, sa
ginagawang body search sa babaeng suspek na si Rachel, nasamsam naman sa
kanyang underwear ang dalawa pang pinaghihinalaang shabu.
Sa hiwalay namang
operasyon, nahuli rin ang suspek na si Louie Olds 29-anyos, isang Commisioner residente
ng Kalibo at temporaryong nakatira sa Sitio Tulubhan, Manoc-manoc.
Nakuha sa
posisyon ng suspek ang dalawang suspected shabu at isang 9mm na baril
pagkatapos itong habulin ng mga operatiba ng magtangka itong tumakas.
Samantala, ayon
kay PSI Andrade ang grupo na ito daw ang pumalit kay No. 1 drug personality ng
Malay na si Benjie Rizares na kasalukuyang naka-piit ngayon sa kahalintulad din
na kaso.
Sa ngayon ang
apat na suspek ay nakatakdang dalhin sa Kalibo para sa sampahan ng kasong
paglabag paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act of 2002.
No comments:
Post a Comment