YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 08, 2016

Seguridad sa 2016 Boracay Ati-Atihan nakalatag na

Posted January 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES Fm Boracay

Photo Credit to BTAC
Plantsado na ang paghahanda sa seguridad ng 2016 Boracay Ati-Atihan na magsisimula ngayong hapon hanggang sa araw ng Linggo.

Kahapon ay nagtipon-tipon ang lahat ng mga force multipliers sa isla ng Boracay kasama ang LGU Malay, BFI at iba pang concern agencies para sa pag-paplano sa seguridad.

Dito napag-usapan ang pagsisiguro sa seguridad sa deboto ng Sto Niño, parishioners, tourists at lahat ng taong kabilang sa selebrasyon ng nasabing kapistahan.

Maliban dito kasado na rin ngayon ang rerouting ng mga sasakyan sa isla upang maiwasan ang matinding trapiko sa oras ng parada at motorcade.

Nabatid na bukas ng alas-4 ng hapon ay magkakaroon ng Tribal Street Dancing Competition na lalahukan ng mga HS Student sa Boracay na magsisimula sa Casa Pilar hanggang sa Balabag Plaza at sa Linggo naman ng umaga ang Boracay Ati-Atihan Sto. Niño Sadsad.

Ang Ati-Atihan Festival ay pakikiisa sa selebrasyon ng kapistahan ni Sr. Sto Niño na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Enero sa ibat-ibang lugar sa bansa partikular sa bayan ng Kalibo na siyang “Mother of All Philippine Festival”.

No comments:

Post a Comment