Posted January 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umarangkada na kahapon ang “week long celebration” ng
Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2016 na magtatapos sa Enero 17, 2016.
Sinimulan ito ng street dancing ng mga kabataan sa
paligid ng Kalibo Pastrana Park gamit ang kanilang mga tambol na nagdadala ng
maingay at malakas na tunog sa kalye ng nasabing lugar habang nag-sasayawan ang
mga ito.
Kagabi rin kinoronahan ang bagong Mutya ng Kalibo 2016 na
si Michelle Lou Tordecillas Dela Cruz ng Kalibo, Aklan sa ginanap na Coronation
Night sa ABL Sports complex.
Kaninang umaga naman isinagawa ang Sikad, Karera sa
Kalibo Ati-Atihan habang mamayang hapon ang Car Show 2016 sa Plaza at bukas
naman ang 5k Ati-Atihan Fun Run at susundan naman ito ng Bikers Rally 2016.
Maliban dito, ibat-ibang aktibidad pa ang masasaksihan
hanggang sa Enero 17 kagaya ng Parade of Festivals Showcase, Sinaot sa Kalye ng
DepEd, Pagdayaw kay Sr. Sto. Niño, Aklan Higante contest, Sad-sad, Ati-Atihan
Tribal, Big, Small, Balik-Ati, Modern Groups, Individual Street Dancing Contest,
procession at marami pang iba.
Ang Ati-Atihan ay isinasagawa tuwing ikatlong linggo sa
buwan ng Enero sa Kalibo kung saan ito ang tinatawag na “Mother of All
Philippine Festival”
No comments:
Post a Comment