Posted January 8, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Hindi pinalampas ng mga sinasabing holdaper ang isang Chinese National
matapos itong abangan at hingan ng pera sa Sitio Tulubhan, Brgy. Manoc-manoc,
Boracay, Malay, Aklan.
Sumbong ng biktimang si Yi Lu Wang 22- anyos sa Boracay
PNP, sakay umano ito siya ng motorsiklo pauwi sa kanyang tinitirahan sa nasabing lugar ng
bigla nalang umano silang parahan ng dalawang lalaking holdaper.
Sinasabing tinakot umano ito ng isang suspek at tinutukan
ng kutsilyo sakanyang baywang habang pilit na kinukuha ang kanyang pera.
Sa takot naman ng biktima ay binigay naman nito agad sa
suspek ang kanyang P1,000 at mabilis na sinabihan ang driver na lisanin ang
lugar pauwi sa kanyang tinutuluyan.
Samantala,
iniimbestigahan na ngayon ng Boracay PNP ang nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment