Posted January 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES Fm Boracay
Photo Credit to BTAC |
Plantsado na ang paghahanda sa seguridad ng 2016 Boracay
Ati-Atihan na magsisimula ngayong hapon hanggang sa araw ng Linggo.
Kahapon ay nagtipon-tipon ang lahat ng mga force
multipliers sa isla ng Boracay kasama ang LGU Malay, BFI at iba pang concern
agencies para sa pag-paplano sa seguridad.
Dito napag-usapan ang pagsisiguro sa seguridad sa deboto
ng Sto Niño, parishioners, tourists at lahat ng taong kabilang sa selebrasyon
ng nasabing kapistahan.
Maliban dito kasado na rin ngayon ang rerouting ng mga
sasakyan sa isla upang maiwasan ang matinding trapiko sa oras ng parada at
motorcade.
Nabatid na bukas ng alas-4 ng hapon ay magkakaroon ng
Tribal Street Dancing Competition na lalahukan ng mga HS Student sa Boracay na
magsisimula sa Casa Pilar hanggang sa Balabag Plaza at sa Linggo naman ng umaga
ang Boracay Ati-Atihan Sto. Niño Sadsad.
Ang Ati-Atihan Festival ay pakikiisa sa selebrasyon ng
kapistahan ni Sr. Sto Niño na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Enero sa
ibat-ibang lugar sa bansa partikular sa bayan ng Kalibo na siyang “Mother of
All Philippine Festival”.
No comments:
Post a Comment