Posted January 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit Zie Acha |
Nagsimula ng bumuhos ang dami ng mga pasaherong pabalik
ng Metro Manila sa Caticlan Jetty Port matapos ang mahabang pahinga sa holiday
season.
Katunayan kagabi palang ay halos bumuhos na sa mahigit
isang libo ang pasahero ng roro-vessel gayon din ang mga manggawang pabalik ng
isla ng Boracay.
Dahil dito, mahigpit naman ang ginagawang seguridad sa
nasabing pantalan kung saan maliban sa ginagawang inspeksyon sa mga bagahi ng
pasahero ay sinusuri din ito ng K9 Unit ng Philippine Coastguard.
Kaugnay nito unti-unti na ring dumarami ang mga turistang
nagbabakasyon sa Boracay kabilang na ang pag-siuwian ng mga balikbayan na
makikisaya sa Ati-Atihan Festival sa susunod na linggo sa bayan ng Kalibo.
Samantala, inaasahang tatagal pa hanggang bukas ang
pagbuhos ng mga pasahero sa Caticlan Jetty Port pabalik ng Manila.
No comments:
Post a Comment