YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 08, 2016

Sadiasa ng CBTMPC, nilinaw na hindi sa kanila ang dahilan kung bakit nade-delay ang mga pasahero sa Jetty Port

Posted January 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for jetty portNilinaw ngayon ng Caticlan Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative o (CBTMPC) na hindi sa kanila ang dahilan ng pagkaka-delay ng mga pasahero sa Jetty Port.

Ito’y sa kabila ng maraming pagsisising nakuha ng CBTMPC mula sa mga pasahero dahil sa kawalan umano ng mga bangka lalo na noong holiday season kung saan iilan lamang ang bumibiyahe.

Ayon kay CBTMPC Chairman Godofredo Sadiasa, hindi umano nagkukulang ang mga ginagamit nilang bangka sa pang araw-araw na operasyon nito para sa mga pasahero.

Iginiit nito na mahigit 60 na bangka ang nag-ooperate sa dagat kaya malabo umanong sila ang dahilan ng pagka-delay ng mga pasahero.

Sinabi nito na hinahati ang 60 na bangka sa dalawang grupo para sa operasyon sa umaga at sa hapon kung saan pagpatak naman umano ng alas 6 hanggang 10 ng gabi para sa night navigation ay 15 hanggang 18 bangka ang kanilang ginagamit dagdag pa rito ang tatlong mermaid boat.

Maliban dito tatlo naman umanong bangka ang kanilang ginagamit pagpatak ng alas-10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga para sa mga pasaherong may biyahe ng madaling araw.

Samantala, ipinunto naman ni Sadiasa na sinusunod lamang nila ang mga alituntunin sa isla ng Boracay kung kayat dapat sumunod din umano ang mga tao rito.

1 comment:

  1. hoo man,,ga tambay lang iba nga bangka,,wa a mga poeos,,,pang sug an lamang dun ang wa ga byahe,,,maka osar baea makarun kaabon nyo bangka kun summer??cge abi padayuna nyo makarun sestima,,,kun makausar tood,,,

    ReplyDelete