Posted January 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Magsisimula na bukas Enero 10, 2016 ang Comelec election
period gun ban para sa nalalapit na May 9 national and local elections sa buong
bansa.
Dahil dito mahigpit ang paalala ni Chrispin Raymund
Gerardo, information officer ng Commission on Elections (Comelec) Aklan, na
ipinagbabawal sa lahat ang pagdadala ng nakakamatay na bagay sa nakatakdang election
period.
Nabatid na exempted lamang nito ay ang mga pulis at
militar sa kondisyong maaari lamang silang magbitbit ng baril kapag naka duty
pero hindi naman sila magiging saklaw ng exemption kapag sila ay naka-sibilyan.
Ayon pa kay Gerardo ang election period ay magtatapos sa
Hunyo 8 kung saan dapat umanong iwasan ng mga Aklanon na e-violate ang elections rules at laws.
Samantala, batay naman sa inisyung Resolution No.10029,
nakasaad ang guidelines na susundin ang Philippine National Police (PNP) at
Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbabantay ng mga ito ng Comelec
checkpoint para sa gun ban.
No comments:
Post a Comment