Posted January 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naglabas ngayon ng kanyang hinaing si Malay SB Member at
Chairman ng Committee on Tourism Jupiter Gallenero sa operasyon ng Jetty Port
sa Boracay.
Ito’y matapos na makailang beses na umano nilang tinawag
ang atensyon ng Jetty Port at Coastguard tungkol sa problema sa dalawang
pantalan ngunit hini parin umano ito nabibigyan ng aksyon.
Ayon kay Gallenero masyado na umanong apektado ang
tourism industry ng probinsya lalong lalo na ang isla ng Boracay.
Samantala, sa kabilang banda nagbigay naman ng kanyang
reaksyon si SB Rowen Aguirre hinggil sa nasabing isyu kung saan posibleng hindi
na umano bumalik sa Boracay ang mga turistang nakaranas ng matinding pila sa Jetty
Port dahil na rin sa ang iba umano ay nahuhuli sa kanilang mga flights kung
saan kinakailangan pa nilang bumili ulit ng ticket para lamang makauwi.
Matatandaang ilang turista ang nagpakita ng pagkadismaya
sa mga social media sa operasyon ng Jetty Port kung saan bumiyahe umano sila ng
sobrang tagal mula sa ibat-ibang lugar pero pagdating sa Caticlan Jetty Port ay
pipila naman sila ng halos isang oras makasakay lang sa bangka.
Ipatawag din ang cbtmpc baka kulang banca nila at d organize ang parking which cause delay din. May mga banca na ung na nakatungaga lang sa port dahil kumakain ang boatmen kaya d magamit ang hagdan ng mga paparating na banca. And nobody orchestrating the organization of cbtmpc boat kaya minsan nagkakandabuhol2 na ang kanilang banca which also cause unreasonable delay. Someone must be incharge of it, not kanya2 nlang ang mga boatmen magdecide. We have to zoom in into smaller details to resolve this issue.
ReplyDeleteIpatawag din ang cbtmpc baka kulang banca nila at d organize ang parking which cause delay din. May mga banca na ung na nakatungaga lang sa port dahil kumakain ang boatmen kaya d magamit ang hagdan ng mga paparating na banca. And nobody orchestrating the organization of cbtmpc boat kaya minsan nagkakandabuhol2 na ang kanilang banca which also cause unreasonable delay. Someone must be incharge of it, not kanya2 nlang ang mga boatmen magdecide. We have to zoom in into smaller details to resolve this issue.
ReplyDeletekaya pala nag strrkto mga to kc may ibang paraan para di mapansin ang mga nagagawang kababalaghan,,,ohhhhhhhhhhh bakit daw marami naklulusot na buhangin sa isla,,,hmmmmmmmmmm kayo ha?
ReplyDelete