Posted January 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nilinaw ngayon ng
Caticlan Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative o (CBTMPC) na hindi sa
kanila ang dahilan ng pagkaka-delay ng mga pasahero sa Jetty Port.
Ito’y sa kabila
ng maraming pagsisising nakuha ng CBTMPC mula sa mga pasahero dahil sa kawalan
umano ng mga bangka lalo na noong holiday season kung saan iilan lamang ang
bumibiyahe.
Ayon kay CBTMPC
Chairman Godofredo Sadiasa, hindi umano nagkukulang ang mga ginagamit nilang
bangka sa pang araw-araw na operasyon nito para sa mga pasahero.
Iginiit nito na
mahigit 60 na bangka ang nag-ooperate sa dagat kaya malabo umanong sila ang
dahilan ng pagka-delay ng mga pasahero.
Sinabi nito na
hinahati ang 60 na bangka sa dalawang grupo para sa operasyon sa umaga at sa
hapon kung saan pagpatak naman umano ng alas 6 hanggang 10 ng gabi para sa night
navigation ay 15 hanggang 18 bangka ang kanilang ginagamit dagdag pa rito ang
tatlong mermaid boat.
Maliban dito
tatlo naman umanong bangka ang kanilang ginagamit pagpatak ng alas-10 ng gabi
hanggang alas 5 ng umaga para sa mga pasaherong may biyahe ng madaling araw.
Samantala,
ipinunto naman ni Sadiasa na sinusunod lamang nila ang mga alituntunin sa isla
ng Boracay kung kayat dapat sumunod din umano ang mga tao rito.
hoo man,,ga tambay lang iba nga bangka,,wa a mga poeos,,,pang sug an lamang dun ang wa ga byahe,,,maka osar baea makarun kaabon nyo bangka kun summer??cge abi padayuna nyo makarun sestima,,,kun makausar tood,,,
ReplyDelete