Posted October 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinabahala ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
nadiskobreng delikadong daan kung saan isinasagawa ng All Terrain Vehicle (ATV)
at Bug car activity sa Boracay.
Ito’y matapos silang magsagawa ng inspeksyon sa
pangunguna ni SB Member Floribar Bautista at ng Municipal Transportation Office
(MTO).
Sa SB Session nitong Martes, sinabi ni Bautisa na
nadiskobre nila na ilan sa unit ng ATV ay sira-sira na ngunit nagagamit padin
ito dahil sa maintenance araw-araw.
Maliban dito napaka-delikado umano ang area na papuntang
Mt. Luho kung saan isinasagawa ang nasabing mga activity dahil matirik ang
daanan at walang railings na nakaharang sa mga bangin.
Nabatid na ilang aksidente na rin ang kinakasangkutan ng
dalawang sasakyan ang napaulat na ipina-blotter sa Boracay PNP Station ng mga turistang
gumamit nito.
Samantala, tila plano naman ngayon ng SB Malay na
magkaroon ng ordinansa para sa mga nag-ooperate ng ATV at Bug car sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment