Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy umano ngayong bumababa ang kaso ng dengue sa
probinsya ng Aklan base sa record ng Aklan Provincial Epidemiology Surveillance
and Response Unit (APESRU).
Sa naitalang record ng APESRU, umabot sa 825 mula Enero 1
hanggang Oktobre 19 ngayong taon ang naitalang kaso ng dengue mas mababa ng
41.45% kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong period na may 1, 409 na kaso.
Dahil dito sinabi ni Dr. Cornelio Cuachon Jr., Provincial
Health Officer I na patuloy ang kanilang pagsubaybay at mag-monitor sa kaso ng
dengue sa probinsya.
Sa tala ng APESRU nangunguna sa may pinakamaraming kaso
ng dengue sa Aklan ay ang bayan ng Kalibo na may 218, sinundan ng Numancia na
may 101 na kaso, Malay na may 72 at New Washington na may 58 kaso.
Sumunod naman dito ang bayan ng Banga na may 53 cases;
Balete na may 38; Malinao na may 37,
Ibajay na may 31; Madalag at Nabas na parehong may 29 na kaso at
Tangalan na may 27.
Habang naitala naman ng Altavas Altavas at Makato ang 22
cases each, Libacao na my 20 kaso, Batan na may 19, Buruanga na my 18 at Lezo
na may 16.
Samantala, karamihan naman umano sa mga tinamaan ng
dengue ay mga lalaki habang ang pinakabatang nabiktima ay may 11 labin isa at
ang pinakamatanda ay nasa edad 60.
No comments:
Post a Comment