Posted
October 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kinilala ngayon ng Airport Council International (ACI)
ang Kalibo International Airport (KIA) na pasok sa top 10 bilang most efficient
airport sa mundo.
Ayon kay Engineer Martin Terre, chief of the Civil
Aviation Authority of the Philippines-Kalibo, na-sorpresa umano sila sa
panibagong pagkilala sa nasabing paliparan.
Dahil dito mas lalo pa umano nilang pagbubutihin at
papaunlarin ang serbisyo ng naturang paliparan.
Nabatid na ang data ay batay sa binuo na opisyal na
pahayag ng Hong Kong International Airport (HKIA) kung saan ang HKIA ay
nakapagtala ng 264.6 points ng workload unit.
Kaugnay nito ang KIA ay kinilala bilang isa sa
pinakamahusay na paliparan sa buong mundo sa mga tuntunin ng aircraft movement
at traffic control noong 2013 kung saan kaya din nitong mangasiwa ng air
traffic mula sa ibang bansa sa kabila ng kaliitan nito.
Nabatid na isinumite ng council ang report noong 2013, ngunit
nai-released lamang ito nitong first-quarter survey ng 2015.
Samantala, ang Kalibo International Airport ay kinilala
din bilang First International Airport at Philippines top 3 International
gateways for foreign tourist arrivals.
sure na sure
ReplyDeleteright here dolabuy.su straight from the source view publisher site weblink replica bags from china
ReplyDelete