Posted October 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
PIA |
Pormal na tinanggap ng probinsya ng Aklan sa pangunguna
ni Aklan Governor Florencio Miraflores at congressman Teodorico Haresco, Jr. ang
17 patrol cars para sa lahat ng police stations sa probinsya.
Ito ay personal namang itinurn-over nitong Huwebes ng
hapon ni Secretary Mel Senen Sarmiento ng Department of Interior and Local
Government (DILG)
Ayon kay Senen ang mga bago umanong sasakyan na ibinigay
sa PNP ay para lalong mapalakas ang pwersa laban sa anti-criminality campaign at
lalong mapabuti ang peace and order ng mga police station.
Samantala, present din sa turn over ceremony si Aklan
acting police director Senior Superintendent Iver Apellido, PNP deputy Director
General Danilo Constantino, DILG assistant regional director Margie Biligan, PNP
deputy regional director for Administration Chief Superintendent Marietto
Valerio at Aklan congressman Teodorico Haresco, Jr.
No comments:
Post a Comment