YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, October 30, 2015

DTI-Aklan may paalala sa mga mamimili ngayong holiday season

Posted October 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for DTINagbigay ngayon ng kanyang paalala si DTI-Aklan Provincial Director Engr. Diosdado Cadena Jr. sa presyo ng mga bilihin ngayong papasok na holiday season.

Ito ay sa isinagawang press conference kahapon sa bayan ng Kalibo kasabay ng Consumers Welfare Month na isinagawa ng Department of Trade and Industry Aklan

Dinaluhan naman ito ng mga media sa probinsya ng Aklan habang ang naging speaker naman nito ay si June Aguirre ng PCCI at Ronald Calderon.

Nagbigay naman si Cadena ng mga paalala tungkol sa mga bilihin sa tindahan at sa mga supermarket lalo na ngayong papasok na ang holiday season.

Ayon kay Cadena, dapat mayroong nakalagay na Product Standard (PS) at Import Commodity Certificate (ICC) stickers sa presyo ng mga bilihin na siya umanong magiging basehan kung ang produkto ay legal at may dokumentado at kung ito ba ay nasuri ng mga ahensyang may saklaw sa mga produkto.

Sinabi din nito na dapat tingnan din ng mga consumers ang expiry date ng mga produkto at kung ang nakalagay sa best before at dapat makunsumo umano ito bago umabot dumating ang expiration date.

No comments:

Post a Comment