Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Itinakda na ngayong araw ng Huwebes Oktobre 29 ang
gagawing pakikipagpulong ng Wallem Philippines sa Jetty Port Administration
para sa pagdating ng Cruise ship sa Boracay.
Ito ay pangungunahan ni Maricel Manlaxa ng Wallem na
siyang may hawak ng tour ng mga Cruise ship na pumupunta sa ibat-ibang tourist
spot sa bansa.
Nabatid na ang ipapatawag na meeting ay para paghandaan
ang arrival ng “MS Legend of The Seas” ngayong Nobyembre 5, 2015 sa isla ng
Boracay.
Kabilang sa mga ipinatawag sa meeting ang lahat ng Law
Enforcers sa Boracay na kinabibilangan ng Boracay PNP, Maritime, Philippine
Coastguard, MAP, TREU at iba pang concern agencies kabilang na ang Department
of Tourism, Philippine Ports Authority, LGU Malay at Aklan Provincial
Government.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan
Jetty Port, pag-uusapan umano dito ang paglatag ng seguridad at kung saan lugar
pupunta ang mga sakay na turista.
Ang barkong “MS Legend of The Seas” ay may sakay na
mahigit dalawang libong turista at mahigit pitong crew kung saan dalawang daan
nito ay purong mga pinoy.
No comments:
Post a Comment