Pages

Friday, October 30, 2015

Operasyon ng ATV at Bug Car sa Boracay, ikinabahala ng SB Malay

Posted October 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for all terrain vehicle boracayIkinabahala ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang nadiskobreng delikadong daan kung saan isinasagawa ng All Terrain Vehicle (ATV) at Bug car activity sa Boracay.

Ito’y matapos silang magsagawa ng inspeksyon sa pangunguna ni SB Member Floribar Bautista at ng Municipal Transportation Office (MTO).

Sa SB Session nitong Martes, sinabi ni Bautisa na nadiskobre nila na ilan sa unit ng ATV ay sira-sira na ngunit nagagamit padin ito dahil sa maintenance araw-araw.

Maliban dito napaka-delikado umano ang area na papuntang Mt. Luho kung saan isinasagawa ang nasabing mga activity dahil matirik ang daanan at walang railings na nakaharang sa mga bangin.

Nabatid na ilang aksidente na rin ang kinakasangkutan ng dalawang sasakyan ang napaulat na ipina-blotter sa Boracay PNP Station ng mga turistang gumamit nito.

Samantala, tila plano naman ngayon ng SB Malay na magkaroon ng ordinansa para sa mga nag-ooperate ng ATV at Bug car sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment