Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay
Patuloy ngayon ang ginagawang embistigasyon ng Philippine
Coastguard Caticlan sa tumaob na motorbanca sa pagitan ng Tabon at Crystal cove
kahapon.
Ayon kay LT. Michael Andang ng PCG-Caticlan 18 umano ang
sakay ng motorbanca na kinabibilangan ng mga foreigner at local tourist para sa
isang island hopping sa lugar.
Sinabi nito na ang malakas na alon at hangin sa nasabing
area ang dahilan ng pagtaob ng motorbanca kung saan isa sa mga sakay nito na
batang babae na kinilalang si Aiofell Gomez 8-taong gulang ay nagtamo ng sugat
sa katawan.
Agad namang nailigtas ang mga sakay na pasahero ng
sumaklolong bangka na mabilis ding naidala sa dalampasigan.
Samantala, patuloy parin ang ginagawang embistigasyon ng
PCC sa lumubog na MV Shenli motorbanca para alamin kung maliban sa malakas na
alon ay kung nabili rin ba ang katig nito.
No comments:
Post a Comment