Pages

Thursday, October 29, 2015

Kalibo airport kinilala ng ACI bilang isa sa most efficient airport sa buong mundo

Posted October 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Kinilala ngayon ng Airport Council International (ACI) ang Kalibo International Airport (KIA) na pasok sa top 10 bilang most efficient airport sa mundo.

Ayon kay Engineer Martin Terre, chief of the Civil Aviation Authority of the Philippines-Kalibo, na-sorpresa umano sila sa panibagong pagkilala sa nasabing paliparan.

Dahil dito mas lalo pa umano nilang pagbubutihin at papaunlarin ang serbisyo ng naturang paliparan.

Nabatid na ang data ay batay sa binuo na opisyal na pahayag ng Hong Kong International Airport (HKIA) kung saan ang HKIA ay nakapagtala ng 264.6 points ng workload unit.

Kaugnay nito ang KIA ay kinilala bilang isa sa pinakamahusay na paliparan sa buong mundo sa mga tuntunin ng aircraft movement at traffic control noong 2013 kung saan kaya din nitong mangasiwa ng air traffic mula sa ibang bansa sa kabila ng kaliitan nito.

Nabatid na isinumite ng council ang report noong 2013, ngunit nai-released lamang ito nitong first-quarter survey ng 2015.

Samantala, ang Kalibo International Airport ay kinilala din bilang First International Airport at Philippines top 3 International gateways for foreign tourist arrivals.

2 comments: