Posted October 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagbigay ngayon ng kanyang paalala si DTI-Aklan
Provincial Director Engr. Diosdado Cadena Jr. sa presyo ng mga bilihin ngayong
papasok na holiday season.
Ito ay sa isinagawang press conference kahapon sa bayan
ng Kalibo kasabay ng Consumers Welfare Month na isinagawa ng Department of
Trade and Industry Aklan
Dinaluhan naman ito ng mga media sa probinsya ng Aklan habang
ang naging speaker naman nito ay si June Aguirre ng PCCI at Ronald Calderon.
Nagbigay naman si Cadena ng mga paalala tungkol sa mga bilihin
sa tindahan at sa mga supermarket lalo na ngayong papasok na ang holiday
season.
Ayon kay Cadena, dapat mayroong nakalagay na Product
Standard (PS) at Import Commodity Certificate (ICC) stickers sa presyo ng mga
bilihin na siya umanong magiging basehan kung ang produkto ay legal at may
dokumentado at kung ito ba ay nasuri ng mga ahensyang may saklaw sa mga
produkto.
Sinabi din nito na dapat tingnan din ng mga consumers ang
expiry date ng mga produkto at kung ang nakalagay sa best before at dapat
makunsumo umano ito bago umabot dumating ang expiration date.
No comments:
Post a Comment