Posted July 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malapit ng ilagay ng Local Government Unit ng Kalibo ang
mga traffic lights sa mga pangunahing kalsada sa nasabing bayan.
Ito’y matapos ng sinimulan ang bidding para sa
installation at construction ng traffic lights, sa pamamagitan ng General Fund,
na may halagang P1.995 million.
Ayon kay Mayor William Lachica ng Kalibo, ang nasabing
traffic lights ay ilalagay sa crossing Banga-New Washington, D. Maagma corner
Osmena Avenue at Jaime Cardinal Sin Avenue at Toting Reyes Street corner Roxas
Avenue.
Nabatid na magtatakda ng public hearing ang Sangguniang
Panlalawigan ng Aklan ngayong Hunyo 3 para sa tatanggaling “Rotanda Sarok” sa
intersection ng Osmena Avenue-Toting Reyes Street-Desposorio Maagma-Jaime
Cardinal Sin Avenue kung saan matindi ang trapik na nararanasan.
Napag-alaman na ang crossing Banga-New Washington ay isa
sa mga pinaka-abalang kalsada sa bayan ng Kalibo kung saan ito rin ang daanan
papuntang Kalibo International Airport at iba pang bayan sa eastern side ng
Aklan at patungong probinsya ng Iloilo at Capiz.
No comments:
Post a Comment