Posted July 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinanghal na numero uno sa top 10 ang Caticlan Boracay
Land Transportation Multi Purpose Cooperative (CBTMPC) na may pinakamalaking assets
sa buong bansa.
Ito’y matapos silang makakuha ng kabuuang assets na
Ninety Four Million Sixty Five Thousand Seventy One and Seventy Sents (94,
065,71.70) sa per evaluation ng official documents na isinumite sa OTC sa Calendar
Year 2013.
Nabatid na tinalo nito ang mahigit sa apat na libong
transport cooperative sa Pilipinas na rehistrado sa Cooperative Development
Authority ng Office of Transport Cooperative ng Transportation and
Communication
Kaugnay nito pumapangatlo naman ang CBTMPC sa dalawang
kategorya sa top 10 transportation cooperative with largest paid-up capital at top
10 transport service cooperative with increase in amount of assets.
Napag-alaman na noong 2014, tinatayang umabot sa mahigit
120 Million pesos ang assets ng CBTMPC matapos mag-diversify sa land transport
kasama na ang micro financing, grocery, gasoline supplies at iba pa.
Ang kauna-unahang 1st Transport Congress ay
ginanap sa Marikina Convention Center, Marikina City nitong Hunyo 8, 2015 kung
saan si mismong CBTMPC Chairman Godofredo Sadiasa ang tumanggap ng nasabing
parangal.
No comments:
Post a Comment