Posted July 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Patuloy ngayong binabantayan ng B.U.S.T.E.R. Patrollers ang
seguridad ng isla ngayong Habagat Season.
Kasama ang mga taga Philippine Army Boracay task Group,
regular na minomonitor ng mga kapulisan ang isla lalo na ang long beach ng
Boracay laban sa mga mananamantala katulad ng mga ilegal na komisyoner at tour
guide.
Maliban sa Philippine Army, nabatid na kasama rin ng mga
nasabing patrollers ang MAP o Municipal Auxiliary Police, Salaam Police,
PARDSS, at Guardians.
Nagpapatrolya ang mga ito sa long beach ng isla tuwing
hapon, maliban pa sa regular na nakaduty sa umaga at gabi sa mga inilaang
assistance center.
Samantala, sinasabing nakahanda paring manalasa ang mga
kawatan kahit may dalang sama ng panahon ang Habagat kung kaya’t patuloy din
ang paalala ng mga otoridad sa mga turista na mag-ingat sa kani-kanilang mga
gamit lalo na kapag naliligo sa dagat.
No comments:
Post a Comment