Posted July 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy parin ngayon ang kampanya ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) kontra sa mga illegal na tour guide at commissioner sa
isla ng Boracay.
Ito mismo ay sa pangunguna ni Boracay PNP Chief of Police
PSI Frensy Andrade kasama ang personnel ng Task Group Boracay-Philippine Army.
Photo credit Boracay PNP |
Ayon kay PSI Andrade ang kampanyang ito ay nagsimula
nitong Pebrero 16, 2015 matapos makatanggap ang kanilang hanay at ang LGU-Malay
pati na ang DOT-Boracay ng mga reklamo at sumbong mula sa mga turista ng over-pricing
at estafa na kinakasangkutan ng mga pekeng tour guide at commissioner sa
Boracay.
Kaugnay nito, nakapagtala na naman ang Boracay PNP ng
kaso ng panloloko mula isang commissioner nitong Linggo kung saan isang Chinese
National ang tinakbuhan nito matapos na makapagbigay ng bayad para sana sa
ilang island activity sa Boracay.
Samantala, ang kampanyang ito ng BTAC ay bahagi ng
tinatawag na B.U.S.T.E.R. Patrollers para sa pagbabantay ng seguridad sa
Boracay kasama ang ilan pang security forces sa isla.
No comments:
Post a Comment