Posted July 3, 2015
Ni Alan Palma, YES
FM Boracay
Isang kalatas ang
inilabas ngayon ni FIRE INSP Stephen Jardeleza ng Boracay Island Special Fire
Protection Unit o BISFPU.
Ang nasabing
sulat ay naglalaman ng direktiba mula kay BFP Regional Director
SSUPT Eleuterio Itturiaga para ipatupad ang istriktong iplementasyon ng Rule 13
of the Implementing Rules & Regulations(IRR) of the Republic Act 9514 o mas
kilala na Fire Code of the Philippines of 2008.
Ang utos ay
kasunod ng nangyaring sunog sa Kentex Manufacturing Corporation na kumitil sa
buhay ng mahigit pitumpong biktima.
Ang nangyaring
insidente ng sunog naman sa Talipapa Bukid dito sa Boracay ay nagbigay din ng
daan para paalalahanan ang Licensing Office ng LGU-Malay hinggil sa nasabing
direktiba.
Maging ang BFI at
PCCI-Boracay ay binigyan din ng kalatas para maabisuhan ang miyembro nito na
umayon sa batas para maiwasan at hindi na maulit pa ang kahalintulad na sunog.
Ayon kay
Jardeleza, ang implementasyon ng Fire Code ay maaring humantong sa pagpataw ng
multa o pagpapasara ng mga gusali o establisyementong makitaan ng paglabag.
No comments:
Post a Comment