Posted June 29, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Maaaring may mga pekeng pera na kumakalat ngayon sa isla ng
Boracay.
Isang lalaki kasi sa Cagban Port ang kaagad sinita at
kinompronta ng mga security guard kahapon dahil sa ibinayad nitong pekeng pera.
Base sa report ng Boracay PNP, natuklasan na lamang umano ng kahera sa ticketing counter ng
jetty port na peke ang P1, 000.00 na
ibinayad ng lalaki para sa kanyang tiket.
Kaagad tinawag ng kahera ang mga security guards kung kaya’t
nahuli ang suspek na nakilalang si Mark Alvin Aldaba mula sa General Santos
City.
Subali’t iginiit naman ng lalaki na nakuha lamang niya ang
pera sa sabungan nitong nakaraang Sabado sa Sitio Tambisaan, Barangay
Manoc-manoc.
Minarapat na lamang pina-blotter ng provincial guard sa
Boracay PNP Station ang insidente.
No comments:
Post a Comment