Posted June 29, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Isa na namang turista sa isla ng Boracay ang naluko umano ng
komisyoner.
Base sa police report ng Boracay PNP, nagkasundo ang turistang Chinese at ang komisyoner na
nakilala lamang sa pangalang ‘Mac-mac’ Salibio sa tatlong island activities sa
halagang P4, 500.00.
Nagbigay din umano ito ng P 1, 200.00 na deposit sa
komisyoner at binayaran kinabukasan ng buo ang mga kinuhang activities para sa
dalawang katao.
Samantala, nadismaya na lamang ang turista na hindi na sila
makapagpatuloy sa ikatlong activities matapos ang kanilang Sailboat at Helmet
Diving.
Sinabi umano kasi ng komisyoner na nawala nito ang perang
ibinayad sa kanya kahapon, kung kaya’t pinayuhan nito ang turistang kumuha ng
pera sa tinutuluyang resort bilang pambayad sa isa pang activity.
Sumunod naman ito at nagtiwala sa pangako ng komisyoner na
hihintayin niya sila sa beach subali’t hindi na nila ito makita sa kanilang
pagbalik sa baybayin.
No comments:
Post a Comment