Posted
July 2, 2015
Ni Alan Palma, YES FM Boracay
Pormal ng
inilunsad ng Department of Science and Technology ang bagong teknolohiya na
kung tawagin ay Eco-Friendly Septic System Project o ECO-SEP sa Boracay.
Sa pamamagitan ni
Project Leader Dr. Merlinda Palencia ng Adamson University, ipinaliwanag nito
ang mithiin ng proyekto at isa nga dito ay ang paglatag ng alternatibong
pamamaraan ng wastewater treatment sa isla para maibsan ang mga suliranin sa
drainage, sewer, at maging sa MRF.
Sa katunayan, ang
mga organic waste ng MRF o Material Recovery Facilities ng Balabag ay isa sa
mga ginawan ng pag-aaral kung paano mabawasan ang amoy na dulot ng mga basura
gamit ang Organic Mineral.
Ang kakulangan sa
septic system ng mga establisyemento, informal settlers at mga kabahayan sa
isla ay isa din sa pinagtutuonan ng pansin ng nasabing proyekto. Anya,
kailangan na maayos ang septic water quality para hindi magka-problema sa
kalikasan ang Boracay sa hinaharap.
Dagdag naman ni
Usec. Rowena Cristina Guevara ng DOST na ang nasabing teknolohiya ay ginamit
din noong panahon na may problema sa sanitasyon sa Leyte pagkatapos ng
paghagupit ng Bagyong Yolanda.
Samantala, malugod
namang tinaggap at pinapurihan ni Malay Mayor John Yap ang bagong teknolohiya
sabay ang pag-kumbinsi sa pribadong sektor na gamitin ang nasabing Eco-Sep
System.
No comments:
Post a Comment