Posted July 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ipinaliwanag ng Department of Education Aklan ang
kahalagahan ng K-to-12 program sa ginanap na stakeholders K-to-12 meeting nitong
nakaraang linggo sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Dr. Jesse M. Gomez, CESO V, Aklan Schools
Superintendent, ang pagdating umano ng globalization at ASEAN Integration ang
pinakadahilan kung bakit may progarama ngayon ang DepEd na K-to-12.
Dito umano iniimpliminta ang uniform at global education
na sumusunod sa ASEAN Qualifications Reference Framework (AQRF).
Nabatid na ang Pilipinas nalang ang bansa sa Asya at isa
sa tatlong bansa sa buong mundo kasama ang Angola at Djibuti ang mayroon paring
10-year pre-university.
Iginiit nito na dapat nalang tanggapin ang bagong education
system kahit na ang pagbago umano ay masakit pero ito din umano ay kailangan para
makapag-compete tayo hindi lang sa sa mga bansa sa ASEAN kundi sa lahat ng
bansa sa buong mundo.
Samantala, sinabi pa nito na ang K-to-12, ng mga
mag-aaral ay isang paghahanda sa edukasyon sa kolehiyo, trabaho at negosyo.
It is very timely that the k to 12 Program is to be implemented in the Philippines.
ReplyDelete