YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 22, 2015

Pansamantalang paglilipatan ng Boracay hospital tila malabo na

Posted July 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay hospitalTila malabo na umanong mailipat pansamantala ang operasyon ng Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital o Boracay Hospital.

Ito ang sinabi ni Aklan Provincial Health Officer II Dr. Victor Sta. Maria sa reaksyon ng mga residente sa Boracay na sana ay ilipat muna ito temporaryo habang hindi pa natatapos ang construction at expansion project ng naturang pagamutan.

Dagdag pa ni Sta. Maria napagkasunduan umano nila na ilipat muna pansamantala ang mga health personnel ng Boracay hospital sa Malay District Hospital sa mainland.

Sinabi pa nito na may tatlong phase project ang hospital kung saan ang phase 1 ay may pondo na mula sa Department of Health Region 6 na kung saan sila ang nagpapagawa habang ang phase 2 at phase 3 ay may pondo naman sa ilalim ng Department of Public Works and Hi-Ways (DPWH) na nakatakdang simulan ngayong buwan ng Agosto.

Samantala, matatandaang ipinag-utos ni Governor Joeben Miraflores noong nakaraang linggo na pansamantalang itigil ang operasyon ng naturang hospital upang mabigyang daan ang construction ng DPWH.

No comments:

Post a Comment