YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 23, 2015

LGU Malay muling nakatanggap ng panibagong Ambulansya mula sa PCSO

Posted July 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling tumanggap si Malay mayor John P. Yap ng panibagong Ambulansya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes sa Aklan Provincial Trade Hall sa Kalibo.

Ito ay itinurn-over mismo ni PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, kung saan kabilang naman sa mga tumanggap ay ang bayan ng Ibajay, Nabas, Libacao, Balete, Numancia, Madalag, New Washington, Altavas at ang Aklan provincial hospital.

Present din ang mga alkalde na nakatanggap ng ambulansya na kinabibilangan ni Nabas mayor James Solanoy, Ibajay mayor Ma. Lourdes Miraflores, Madalag mayor Alfonso Gubatina, Libacao mayor Vincent Navarosa, Numancia mayor Jozyl Isidore Templonuevo at si PCSO board of director Francisco Joaquin III, Aklan vice governor Gabrielle Calizo-Quimpo at ilan sa Aklan Sangguniang Panlalawigan members.

Nabatid na ang pamamahagi ng ambulansya sa Aklan ay parti ng PCSO Ambulance Donation program na kung saan ay layunin nitong makatulong sa mga bayan at siyudad sa buong bansa sa pamamagitan ng rescue at ambulance vehicles.

Kaugnay nito ang bayan ng Malay ay tatlong beses ng nakatanggap ng ambulansya mula sa PCSO kung saan ang isa ay napunta sa Boracay Action Group at ang isa naman ay nasa LGU Malay.

No comments:

Post a Comment