Pages

Friday, July 24, 2015

Kahalagahan ng K-to-12 program ipinaliwanag ng DepEd Aklan

Posted July 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for K-TO-12Ipinaliwanag ng Department of Education Aklan ang kahalagahan ng K-to-12 program sa ginanap na stakeholders K-to-12 meeting nitong nakaraang linggo sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Dr. Jesse M. Gomez, CESO V, Aklan Schools Superintendent, ang pagdating umano ng globalization at ASEAN Integration ang pinakadahilan kung bakit may progarama ngayon ang DepEd na K-to-12.

Dito umano iniimpliminta ang uniform at global education na sumusunod sa ASEAN Qualifications Reference Framework (AQRF).

Nabatid na ang Pilipinas nalang ang bansa sa Asya at isa sa tatlong bansa sa buong mundo kasama ang Angola at Djibuti ang mayroon paring 10-year pre-university.

Iginiit nito na dapat nalang tanggapin ang bagong education system kahit na ang pagbago umano ay masakit pero ito din umano ay kailangan para makapag-compete tayo hindi lang sa sa mga bansa sa ASEAN kundi sa lahat ng bansa sa buong mundo.

Samantala, sinabi pa nito na ang K-to-12, ng mga mag-aaral ay isang paghahanda sa edukasyon sa kolehiyo, trabaho at negosyo.

1 comment: