Posted July 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinadismaya ngayon ni Jetty Port Administrator Niven
Maquirang ang operasyon ng ilang Paraw sailing boat sa isla ng Boracay.
Ito ay dahil sa nakita nito mismo ang mga Paraw na
lumalabag sa violation ng One Entry-One Exit Policy sa Boracay na siyang
mahigpit na ipinapatupad ng probinsya ng Aklan.
Ayon kay Maquirang ipinagbabawal nila ang mga Paraw pati
na ang mga bangka sa beach area na walang 200 metro ang layo mula sa dalampasigan
para maiwasan ang reklamo ng mga guest sa front beach na hindi nakakaligo sa
dagat dahil sa mga nakadaong na bangka.
Aniya, dapat nasa back beach ngayon ang mga ito dahil sa
inililipat sila sa tuwing panahon ng Habagat kasama na ang lahat ng mga island
activities sa isla.
Mahaharap umano ang mga ito sa penalidad sakaling mahuli
sila ng Philippine Coastguard, MARICOM o Boracay PNP.
Panawagan naman nito sa mga nag-ooperate ng Paraw sa Boracay
na sumunod nalang sa umiiral na ordinansa upang maiwasan ang maharap sa
ibat-ibang violation.
No comments:
Post a Comment