YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 20, 2015

LGU Malay makikiisa sa National Simultaneous Earthquake Drill ngayong Miyerkules

Posted July 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Makikiisa ang Local Government Unit ng Malay sa National Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw ng Miyerkules Hulyo 22, 2015.

Ito ay kinabibilangan ng mga National Government Agencies, Private at Public Schools sa Malay pati na ang mga Establishment sa Boracay.

Ayon kay Catherine Ong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Malay, ito ay gaganapin ng sabay-sabay sa mga tanggapan ng NGO, paaralan at mga establisyemento na magsisimula alas-9 ng umaga.

Sinabi nito na magpapadala umano sila ng mga evaluators sa mga lugar kung saan mayroong Earthquake Drill katuwang ang Engineering Office ng Malay.

Layunin naman ng nasabing drill ay para mabatid ang antas ng kahandaan at kakayahan ng mga rescue teams kapag nagkaroon ng aktuwal na kalamidad.

Hangad naman ng MDRRMO na mag-iwan ito ng magandang impresyon sa mga Malaynon hinggil sa importansya ng interoperability ng iba’t-ibang mga ahensya at kung papano kahanda ang Hukbong Dagat sa pagtugon sa mga kalamidad at sa pagligtas ng buhay na nanganganib.

No comments:

Post a Comment