Posted July 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaasahan umanong magiging fully-operated na sa susunod
sa taon ang Tabon Port sa Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay.
Ito’y sa sandaling matapos na ang expansion at
construction project ng Tabon Port na proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.
Ayon kay Malay Administrator Godofredo “Goding” Sadiasa
sinisikap umano nilang matapos ito ngayong taon ngunit hindi umano tuloy-tuloy
ang construction nito dahil sa paunti-unti lang na pagpapalabas ng budget para
dito.
Dagdag pa ni Sadiasa ang kasalukuyang rampa na ginagamit
ngayon ay dudugtungan pa ng 16 na poste para mas humaba ito at maiwasan ang
traffic congestion ng mga bangka.
Samantala, malapit na rin umanong buksan ang bagong
tayong terminal building dito na may kalakihan sa lumang terminal area.
Maliban dito pinagtutuun din nila ng pansin ang parking
area ng mga transport groups kabilang na pagsasaayos ng kalsada sa lugar.
Ang Tabon Port ang siyang ginagamit na alternatibong
pantalan sa tuwing panahon ng Habagat sa Boracay patawid ng Tambisaan Port sa
Manoc-Manoc.
No comments:
Post a Comment