Posted July 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa na namang turistang Arabian National ang nabitima ng illegal
na commissioner sa isla ng Boracay kaninang tanghali.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang biktimang
si Walleed Dhnawi, 36-anyos ng Saudi Arabia at isang bakasyunista sa isla ng
Boracay.
Sa report ng pulisya nakipag-transakyon umano ang biktima
sa suspek na kinilala lamang sa pangalang Gabe para sa ibat-ibang island
activities na kinabibilangan ng parasailing, helmet diving, fly fish, banana
boat, scuba diving, island hopping katulad ng cliff diving sa magic island at
crystal cove sa halagang P16, 000.
Nabatid naman na bago ang naturang mga aktibidad ay
nagbigay muna ang biktima ng P10, 000 sa nasabing suspek bilang partial
payment.
Kaugnay nito matapos na mag-helmet diving ang biktima na
kasama sa mga kinuha nitong activity ay tinawagan nito ang suspek para sa mga
natitirang island activities ngunit hindi na niya umano ito ma-kontak.
Nagtanong-tanong din umano ang biktima sa nakakilala sa
supek ngunit wala namang makapagsasabi kung saan ito nagpunta.
Samantala, ang nasabing insidente ay ilang beses na ring
nangyayari sa isla ng Boracay dahil sa mga illegal na commissioner na
pakalat-kalat sa isla.
No comments:
Post a Comment