Pages

Tuesday, July 21, 2015

Ilang Paraw sailing sa Boracay lumalabag umano sa One Entry One Exit Policy

Posted July 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikinadismaya ngayon ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang ang operasyon ng ilang Paraw sailing boat sa isla ng Boracay.

Ito ay dahil sa nakita nito mismo ang mga Paraw na lumalabag sa violation ng One Entry-One Exit Policy sa Boracay na siyang mahigpit na ipinapatupad ng probinsya ng Aklan.

Ayon kay Maquirang ipinagbabawal nila ang mga Paraw pati na ang mga bangka sa beach area na walang 200 metro ang layo mula sa dalampasigan para maiwasan ang reklamo ng mga guest sa front beach na hindi nakakaligo sa dagat dahil sa mga nakadaong na bangka.

Aniya, dapat nasa back beach ngayon ang mga ito dahil sa inililipat sila sa tuwing panahon ng Habagat kasama na ang lahat ng mga island activities sa isla.

Mahaharap umano ang mga ito sa penalidad sakaling mahuli sila ng Philippine Coastguard, MARICOM o Boracay PNP.

Panawagan naman nito sa mga nag-ooperate ng Paraw sa Boracay na sumunod nalang sa umiiral na ordinansa upang maiwasan ang maharap sa ibat-ibang violation.

No comments:

Post a Comment