Posted June 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit Jack Jarilla |
Iksaktong ala-6:30 kagabi ng sinimulang sindihan ng grupo
ng Friends of Flying Fox at ng mga nagmamahal sa Boracay ang kanilang dalang
kandila.
Ito ay dinaluhan ng daan-daang manggagawa, residente at
ibat-ibang organisayon sa Boracay na ginanap sa Willys Rock Station 1 para sa
Solidarity at Unity Gathering.
Ang programang ito ay pagpapakita ng pagmamahal sa
Boracay sa pamamagitan ng pag-protekta sa kalikasan ng isla at sa natitirang
forest area nito.
Kasabay naman ng symbolic lighting of candle kagabi
nagkaroon ng isang maikling programa at kantahan na inaalay para sa Boracay
kabilang na ang pagbigkas ng mga dumalo rito ng salitang CPR o Conserve,
Protect and Restore the Beauty of Boracay.
Ayon naman kay BFI Board of Director at Motag Brgy.
Captain Neneth Graft ang kanilang ginawang pagtitipon ay upang ipakita na
silang mga taga-Boracay at nagmamahal sa isla ay may ginagawa para proteksyonan
ito.
Aniya, ibat-ibang kwento na kasi umano ang naglalabasan
sa mga social media na tila puro negatibo kung kayat nais nilang ipakita na
sila ay may mga hakbang na ginagawa sa pangangala ng Boracay.
Samantala, ikinatuwa naman ng Friends of Flying Fox na
umabot sa insakting sampung libo ang kanilang petisyon na panawagan para isalba
ang isla ng Boracay lalo na ang natitirang forest area sa Puka Beach.
No comments:
Post a Comment